Kabayanihan
ni Lope K. Santos

Si Lope K. Santos ay isa sa mga pinakatanyag namanunulat sa wikang Tagalog. Siya ay nobelista,makata, abogado, kritiko, lider obrero, atitinuturing na “Ama ng Pambansang Wika atBalarila.” Si Santos ay isinilang sa Pasig, datingsakop ng Rizal, noong 25 Setyembre 1879. Namatay si Santos noong 1 Mayo 1963. Si Santosay supling nina Ladislao Santos na tubong Pasig atVictoria Canseco na tubong San Mateo, Rizal. Noong 10 Pebrero 1900, ikinasal si L.K. Santos kay Simeona Salazar na nagbigay sa kaniya ng limang supling.
Sa tulang ito, nasasalamin ang kabayanihan ng mga Pilipino na makamit ang inaasam na kalayaan. Kahit sa anong hirap at pagod, kusang loob nila pinaglalaban dahil sa pag-ibig nila sa kapwa at pananalig sa ating Panginoon. Higit pinahuhugutan ang karapatan ng bawat Pilipino na lumaban sa kamay ng mga Amerikano. Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo at buhay ang pinagpuhunan at inaalay nila sa kanilang bayan na inaalipin ng mga dayuhang Amerkano. Ang buhay ng mga Pilipino ay hindi madaling huhusgahan dahil sa hirap ng kanilang pinaglaban.
Sa tulong ng bawat isa ang dukha ay namulat sa katotohanan, ang kanilang pawis at dugo na naranasan nila na ipinagkaloob kahit sa kamatayan ay para rin sa kanilang kapwang Pilipino na naghahangad ng totoong kalayaan. Ang tunay na bayani ay hindi naghahangad ng kapalit kundi kusang loob nila ito tinanggap kahit sila ay mawawala sa mundong ibabaw. Mahirap gawin ang kanilang ginawa dahil buhay ang nakasalalalay dito para sa ating minamahal na bayang sinilangan.
Ang layunin ng may-akda ay maipamalas ang kabutihan, kabayanihan, pagmamahalan ng bawat isa bilang isang Pilipino. Sa kahit pagsubok ang dumaan kapag may pagsasama't pagtutulungan ay makamit natin ang tunay na tagumpay basta may tiwala sa isa't isa at sa Panginoon.
References: https://www.scribd.com/doc/101513349/Mga-Tula-Ng-Panahon-Ng-Mga-Amerikano
https://www.scribd.com/doc/44566113/Si-Lope-K

Ang kahulugan mo'y isang paglilingkod
na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya,minsang kusang loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos
Natatalastas mong sa iyong pananim
iba ang aani't iba ang kakain
datapwa't sa iyo'y ligaya na't aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.
Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay....
pinapupuhunan mo at inaalay
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan
Sa tulong mo'y naging maalwan ang dukha,
sa turo mo'y naging mulat ang mulala,
tapang mo'y sa duwag naging halimbawa't
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
Tikis na nga lamang na ang mga tao'y
mapagwalang-turing sa mga tulong mo:
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.
Sa tulang ito, nasasalamin ang kabayanihan ng mga Pilipino na makamit ang inaasam na kalayaan. Kahit sa anong hirap at pagod, kusang loob nila pinaglalaban dahil sa pag-ibig nila sa kapwa at pananalig sa ating Panginoon. Higit pinahuhugutan ang karapatan ng bawat Pilipino na lumaban sa kamay ng mga Amerikano. Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo at buhay ang pinagpuhunan at inaalay nila sa kanilang bayan na inaalipin ng mga dayuhang Amerkano. Ang buhay ng mga Pilipino ay hindi madaling huhusgahan dahil sa hirap ng kanilang pinaglaban.
Sa tulong ng bawat isa ang dukha ay namulat sa katotohanan, ang kanilang pawis at dugo na naranasan nila na ipinagkaloob kahit sa kamatayan ay para rin sa kanilang kapwang Pilipino na naghahangad ng totoong kalayaan. Ang tunay na bayani ay hindi naghahangad ng kapalit kundi kusang loob nila ito tinanggap kahit sila ay mawawala sa mundong ibabaw. Mahirap gawin ang kanilang ginawa dahil buhay ang nakasalalalay dito para sa ating minamahal na bayang sinilangan.
Ang layunin ng may-akda ay maipamalas ang kabutihan, kabayanihan, pagmamahalan ng bawat isa bilang isang Pilipino. Sa kahit pagsubok ang dumaan kapag may pagsasama't pagtutulungan ay makamit natin ang tunay na tagumpay basta may tiwala sa isa't isa at sa Panginoon.
References: https://www.scribd.com/doc/101513349/Mga-Tula-Ng-Panahon-Ng-Mga-Amerikano
https://www.scribd.com/doc/44566113/Si-Lope-K
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento